Most Filipinos would not get past childhood without playing Sipa. This homegrown game is popular among children in both neighbourhood and school playgrounds in the Philippines because of its simple rules and accessibility. But it is also exciting and challenging as it requires agility and speed as well as good ball control skills.
Filipinos started playing Sipa in the 15th century before the Philippines was colonised by Spain. Sipa was even considered the Philippines’ national sport before Arnis replaced it in 2009 during the administration of former President Gloria-Macapagal Arroyo.
Sipa which means “kick” in Filipino also refers to the ball used in the game which has many variations and is usually made by the players themselves. The two most popular types of sipa ball are the lead washer and rattan ball. The lead washer sipa consists of a coin-like object with strips of cloth or plastic straws attached to it. The rattan ball is made of rattan strips formed into a hollow ball that is at least 4 inches in diameter.
Sipa can be played by two or more players. A player tosses the sipa into the air and prevents it from touching the ground through continuous kicking. Each kick is counted as a point. A turn ends once the sipa is dropped. Hence, the player who can keep the ball in the air the longest and hits it the most wins the game.
A version of the game called Sipa Lambatan involves two teams playing on a court where the ball is tossed back and forth over a net like volleyball but this time the foot instead of the hands is used to hit the ball. If the ball is dropped on a team’s side of the court, the opposing team gets a point. Games similar to Sipa include Sepak Takraw, Hacky Sack, Jianzi, Footvolley, and Bossaball.
Today, like most indigenous Filipino childhood games, Sipa competes with computer games and electronic gadgets for the attention of Filipino kids. For now however, it remains popular in many urban and rural areas especially where technology is still inaccessible. Tournaments and other promotional activities are also regularly organised by the government and advocacy groups to ensure that traditional games like Sipa exist and endure in the consciousness of the Filipino youth.
Sipa: Isang Pinapahalagahang Larong Pilipino
Karamihan ng mga Pilipino ay hindi nakakadaan sa pagkabata nang hindi nakakapaglaro ng sipa. Ang tradisyonal na larong ito ay paboritong laruin ng mga batang magkakapitbahay o magkakaklase dahil sa mga simple nitong patakaran at puede din itong laruin ng kahit sino. Ito ay nakakatuwa at nakakapanghamon din dahil nangangailangan ito ng bilis, liksi, at galing sa pagkontrol ng bola.
Nagsimulang laruin ng mga Pilipino ang Sipa noong ikalabinlimang siglo bago pa man sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Ang sipa ay tinawag pang pambansang laro ng Pilipinas bago ito pinalitan ng Arnis noong 2009 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ang salitang sipa ay tumutukoy sa akto ng pagsipa at ito rin ang tawag sa bola na ginagamit sa laro. Ang pinakamadalas na gamiting sipa ay ang lead washer at bola ng rattan. Ang lead washer na sipa ay gawa sa metal na kasinglaki ng baryang piso na may butas sa gitna at may mga nakabuhol na liston ng tela o plastic. Ang bola ng rattan naman ay gawa sa mga liston ng rattan na hinulmang bilog at may diametrong apat na pulgada.
Maaring laruin ng dalawa o higit pang tao ang sipa. Sinisipa ng isang manlalaro ang bola sa ere at pinapanatili nito ito doon sa pamamagitan ng pagsipa sa bola. Matatapos ang paglaro ng manlalaro kapag nahulog ang sipa sa lupa. Ang bawat sipa ay ibinibilang na isang puntos kaya ang manlalarong nakakapagpanatili ng sipa sa ere ng pinakamatagal dahil sa dami ng sipa nito ay siyang mananalo.
Ang isang uri ng larong sipa na tinatawag na Sipa Lambatan ay nilalarong katulad ng volleyball ngunit ang ginagamit na pagtama sa bola ay ang paa at hindi mga kamay. Katulad ng volleyball, may lambat sa gitna ng dalawang koponan at tinatamaan ng mga manlalaro ang bola upang ihulog ito sa korte ng kalabang koponan. Bawat bolang nahuhulog sa korte ng isang koponan ay isang puntos sa kalabang koponan. Maihahalintulad ang sipa sa larong Sepak Takraw, Hacky Sack, Jianzi, Footvolley, at Bossaball.
Sa kasalukuyan, maraming tradisyonal na Pilipinong laro katulad ng Sipa ang nakikipagkompetensiya sa atensyon ng mga Pilipinong kabataan dahil sa mga laro sa komputer at mga gadyet. Ngunit sa ngayon, marami pa rin ang naglalaro ng sipa lalo na sa mga lugar na hindi abot o kapos sa teknolohiya. Ang gobyerno at mga advocacy groups ay nagdadaos din ng mga patimpalak at iba pang aktibidades upang mapanatili ang mga larong Pilipino katulad ng sipa sa kamalayan ng mga kabataang Pilipino.
Challenge: Make Your Own Sipa
- Make a Sipa shuttlecock by following the instructions on this video How to Make a “Sipa” or in this article How to Play and Make Improvised Sipa
- Play the game
Add a comment to: Sipa: A Beloved Filipino Game