Pagsali sa aklatan
Tagalog
Kia ora at halina po kayo sa lahat ng kahanga-hangang mga bagay na iniaalok ng inyong aklatan.
Malugod ka naming inaanyayahan at ang iyong pamilya na gamitin ang alinman sa aming mga Aklatan ng Lungsod ng Christchurch.
Libre ang pagsali sa aklatan kung ikaw ay naninirahan o nagbabayad ng mga rates (kabayaran) sa pook ng Konseho ng Lungsod ng Christchurch.
Upang makasali sa aklatan, kailangan mo ng:
- Identipikasyon: ang iyong pasaporte o 2 iba pang uri ng ID, mas mainam ang may photo-ID. Kung bata ang sasali, ang magulang / ligal na guardian ang mangangailangan ng ID.
- Patunay ng tirahan (hindi lalampas sa 30 araw). Ito ay maaaring isang liham mula sa iyong bangko, paaralan, kumpanya ng kuryente o telepono. Tatanggapin din ang mga bersyong digital ng mga dokumentong ito.
Mga kondisyon ng pagiging miyembro
Ang pagtukoy sa ibaba na ‘kami’ o ‘amin' ay pagtukoy sa mga Aklatan ng Lungsod ng Christchurch (isang yunit ng Konseho ng Lungsod ng Christchurch), at ang pagtukoy na ‘Ako’, ‘ikaw’ o ‘iyong’ ay pagtukoy sa miyembro.
Ako at/o ang (mga) umaasa akin (dependent/s) ay sumali sa aklatan at tinatanggap ang responsibilidad para sa anumang mga bagay na hihiramin.
Sang-ayon ako sa:
- Mga Kondisyon ng Pagiging Miyembro. Maaaring magbago ang mga ito. Ang na-update na mga kondisyon ay makukuha sa aming website.
- Isauli ang lahat ng mga bagay na hiniram mula sa aklatan sa petsang nakatakda para sa mga ito, na nasa mabuting kalagayan.
- Sabihin kaagad sa amin kung nawala o nanakaw ang iyong card o kung nabago ang mga detalye ng pagkontak sa iyo.
- Bayaran ang anumang mga singil, pinsala, singil sa mga pamalit, bayad sa pagproseso at bayad sa pagkolekta na nasa account na ito.
- Ang paggamit ng ahensya sa pagkolekta ng utang upang makuha ang hindi nabayarang utang.
Pahayag ng pagkapribado: Bakit kami nangangalap ng iyong personal na impormasyon?
Upang ikaw ay maka-access sa mga serbisyo mula sa mga Aklatan ng Lungsod ng Christchurch (isang yunit ng Konseho ng Lungsod ng Christchurch).
Ginagamit namin ang iyong personal na impormasyon upang makipag-ugnayan sa iyo at para mapamahalaan ang iyong pagiging miyembro ng aklatan, pati na rin ang pag-abiso sa iyo ng mga serbisyo at kaganapan ng Konseho. Ang impormasyong ito ay maaaring ibigay sa naaangkop na kawani ng Konseho at/o sa isang credit agency kung kailangan naming makuha ang hindi pa bayad na utang. May ilalapat na bayad sa pagkolekta ng utang.
Maaari kang magka-access sa hawak naming personal na impormasyon tungkol sa iyo at humiling ng mga pagbabago dito.
Kung hindi ka magbibigay ng hiniling na impormasyon, maaaring tanggihan ng aklatan ang iyong aplikasyon para maging miyembro.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: my.christchurchcitylibraries.com
Impormasyon para sa mga bagong miyembro ng aklatan
- Kung ang iyong library card ay nawala o nanakaw, mangyaring abisuhan mo kami sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng pagtelepono sa 03-941-7923, pagbisita sa aming website o pagpunta sa inyong lokal na aklatan.
- Mangyaring ipaalam sa amin kung ikaw ay lumipat ng bahay o may anumang nabago sa mga detalye sa pamamagitan ng pagtelepono o pagbisita sa inyong lokal na aklatan.
- Maaari mong gamitin ang iyong library card sa alinmang Aklatan ng Lungsod ng Christchurch. Ang mga bagay ay maaaring isauli sa alinmang aklatan sa inyong network.
- Karamihan sa mga aklat ay maaaring hiramin sa loob ng 28 araw. Maaari mong hiraming muli ang iyong bagay (item) nang isa pang beses maliban kung ito ay hiniling ng isa pang kostumer. Iba-iba ang tagal ng paghiram para sa iba pang mga bagay. Libre ang karamihan ng mga bagay na nasa pangkalahatang koleksyon. Mayroong singil ang mga popular, talking books, CD, at karamihan sa mga DVD.
- Kung ibibigay mo ang iyong email address, padadalhan ka namin ng paalala 3 araw bago dapat isauli ang mga bagay, at uulitin kapag ang mga bagay ay 7 at 21 araw nang hindi naisasauli. Kung ang mga bagay ay hindi pa naisasauli nang mahigit sa 28 araw, ang mga bagay na ito ay ituturing na nawala, ang gastos sa pagkuha ng kapalit at bayad sa pagproseso ay idadagdag sa iyong account, at hindi ka makapaglalabas ng iba pang mga bagay o makaka-access ng mga mapagkukunang elektroniko. Sa sandaling maisauli ang mga bagay, aalisin ang gastos sa pagkuha ng kapalit at bayad sa pagproseso, at ikaw ay maaari na namang maka-access sa lahat ng mga serbisyo.
- Maaari mong gamitin ang iyong library card para magamit ang internet (nang libre) sa aming mga kompyuter sa lahat ng aming mga aklatan. Maaari mo ring gamitin ang sarili mong mga device sa aming mga aklatan. Libre ang Wi-Fi at walang kailangang password.
Para sa mga kondisyon ng lubos na pagsali, pakitingnan ang: my.christchurchcitylibraries.com/conditions-of-membership/
Malugod naming hihintayin ang pagbisita mo at ng iyong pamilya sa mga Aklatan ng Lungsod ng Christchurch.