Mga Bagong Migrante

Isang maayang pagbati at maligayang pagdating sa Christchurch. Mayroon kaming malawak na pagkukunan ng mga kinakailangang impormasyon at mga serbisyong inihahandog sa mga bagong residente. Ang mga Aklatang-Lungsod ng Christchurch ay mayroong koneksyon sa mga aklatang pang-komunidad at isang pangkat ng mga matulunging katiwala ng aklatan.

This page is also available in English and other languages.

Philippine Culture and Sports, Flickr CCL-2012-03-10-CultureGalore2012-March-2012 DSC_0545.JPG
Philippine Culture and Sports, Flickr, CCL-2012-03-10-CultureGalore2012-March-2012 DSC_0545.JPG

Sumapi sa Aklatan

Libre ang pagsapi sa aklatan.

Mga kondisyon sa pagiging miyembro

  • Karamihan sa mga ipinahihiram ay libre
  • Kadalasang pababayaran namin ang nawala o nasirang hiniram

Pakidala:

  • Pagkakakilanlan, gaya ng pasaporte, lisensya sa pagmamaneho
  • Pruweba ng tirahan, gaya ng sulat mula sa bangko, bayarin sa telepono, atbp. (hindi paso o lalagpas sa 30 araw)
  • Aplikasyon sa Pagsapi – maaari itong paunang sagutan

Mga Makatutulong na Pagkukunan ng Kinakailangang Kaalaman

Mga Pagkukunan ng Kaalaman na elektronika

Kami ay maraming libreng mga elektronikang pagkukunan ng kaalaman sa Aklatang-Lungsod ng Christchurch. Magagamit mo ang mga ito kung ikaw ay nasa aklatan o sa iyong tahanan gamit ang numero ng iyong kard para sa aklatan at PIN/Password.

  • Mga Lengguwaheng Mango (Mango Languages) – Ang Mango ay isang “online” na sistema ng pag-aaral ng lengguwahe na makakatulong sa iyo na matuto ng mahigit sa 60 lengguwahe.Kasama rito ang pagtuturo ng Ingles kung ang iyong wika ay Arabe, Intsik, Hapones, Koryano, Ruso o Kastila.
  • Pahayagang ipinapakita (PressReader) – mahigit sa 2,000 dyaryo at mahigit sa 500 magasin mula sa iba’t ibang bansa na nasusulat sa mahigit na 60 lengguwahe ang maaari mong tignan sa mismong araw na lumabas ang dyaryo. Bawat dyaryo at magasin ay naglalahad ng buong pahina sa tradisyonal na porma at pagkakalatag; at kasama rito ang kompletong nilalaman ng editoryal, mga grapika at mga anunsiyo.
  • Daan sa IELTS: Pangkalahatan (Road to IELTS: General) – Ang Daan sa IELTS ay isang sariling pag-aaral upang matulungan kang maghanda sa eksamen para sa IELTS. Ang Pangkalahatang bersyon ay nakatutok sa pangunahing kakayanan may kinalaman sa lengguwahe. Ito ay para sa mga taong nagbabalak na mag-aral sa mataas na paaralan, o magkaroon ng karanasan sa trabaho o pagsasanay na programa.
  • Daan sa IELTS: Pang-Akademy (Road to IELTS: Academic) – ang bersyong pang-akademya ng Daan sa IELTS ay para sa mga taong gustong mag-aral sa unibersidad na wikang Ingles ang ginagamit.
  • Aklat na Tumutuklas ng Mundo (World Book Discover) – kapaki-pakinabang na sanggunian na pagkukunan ng kaalaman, na may madaling basahing artikulo para sa mga nag-aaral ng Ingles bilang pangalawang lengguwahe.

Ang Aming Mga Serbisyo

Pag-aaral ng Pagmamaneho

Ang Kodigo para sa Daan (Road Code) ay ang opisyal na giya sa pag-aaral ng pagmamaneho sa New Zealand. Ito ay palagiang hinihiram kung kaya’t maaari kang ilista sa mga maghihintay. Tanungin ang iyong pinakamalapit na aklatan. Karamihan sa mga aklatan ay mayroong kopya na magagamit na sanggunian. Ang Kodigo para sa Daan ay meron rin sa online na libre.

Print this page