The Filipino Salakot

Salakot or Salacot is a piece of head gear that has become a symbol of Filipino identity, often worn by Juan Dela Cruz the National personification of the Philippines. He is usually depicted wearing the native salakot , the famous Barong Tagalog, pants, and bakya or tsinelas (local term for thongs).

The material the salakot is made of reflects the natural resources of the Philippines. These are mostly found in the area, including bamboo, palms, and rattan leaves.  Some salakots were coated in a resin to make them waterproof to protect local farmers and fishermen from the sun and rain.

The history of this head gear can be traced back during the Malay immigration to the Philippine Archipelago. In Panay Island, the first Malay settlers acquired valleys and plains from Aetas (indigenous people) by paying them with golden salakot and a manangyad (very long gold necklace).

During the Spanish occupation, the custom of embellishing the salakot was developed. The design has become a status symbol. Members of Principalia (members of the nobility) began wearing the distinctive type of salakot, made of tortoise shell or with ornate spike made of silver or gold materials.

The symbolism of the salakot has evolved over time. In the 1800s, native Filipinos were calling for reforms. The Propaganda Movement wanted the Philippines to be acknowledged as a province of Spain and to be represented in the Spanish Cortes. The status of the Filipinos and Spaniards was supposed to be equal – as well as the human rights, for example freedom of speech and press. One of the main goals was also to secularize parishes of the Philippines. The head gear became the war helmet for the Philippine Revolution.

Filipinos display their ingenuity and artistry through festivals. It has become an annual celebration for the people in Barangay Balibago (a village in Pampanga) and Municipality of Pulilan. The highlights of the events are street dancing and parade. The dance is performed mostly by women wearing Balintawak costumes, bakya and of course the salakot adorned with flowers, beads, and ribbons.

Ang Salakot na Pilipino

Ang Salakot o Salacot ay isang gora na naging simbolo ng pagkakakilanlan ng Pilipino, madalas itong  isinusuot ni Juan dela Cruz ang Pambansang personipikasyon ng Pilipinas. Karaniwan siyang inilalarawan na suot ang katutubong salakot, ang tanyag na Barong Tagalog, pantalon, at bakya o tsinelas.

Ang mga materyales ng salakot ay sumasalamin sa likas na yaman ng Pilipinas. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa lugar, kabilang ang kawayan, palma, at dahon ng rattan. Ang ilan sa mga salakot ay pinahiran sa isang uri ng dagta upang hindi tinatagusan ng tubig para maprotektahan ang mga lokal na magsasaka at mangingisda mula sa araw at ulan.

Ang kasaysayan ng gora ay nagsimula sa panahon ng imigrasyon ng mga Malay sa Kapuluan ng Pilipinas. Sa Panay Island, ang mga unang naninirahan sa Malay ay nakakuha ng mga lambak at kapatagan mula sa Aetas (mga katutubo) sa pamamagitan ng pagbabayad sa kanila ng ginintuang salakot at manangyad (napakahabang kuwintas na ginto).

Sa panahon ng pananakop ng Espanya, nabuo ang kaugaliang pag-adorno ng salakot. Ang disenyo ay naging isang simbolo ng katayuan. Ang mga miyembro ng Principalia (mga kasapi ng maharlika) ay nagsimulang magsuot ng natatanging uri ng salakot, gawa sa shell ng pagong o may palamuti na spike na gawa sa mga materyales na pilak o ginto.

Ang simbolismo ng Salakot ay nagbago sa paglipas ng panahon. Noong 1800s, ang mga katutubong Pilipino ay nanawagan para sa mga reporma. Nais ng Kilusang Propaganda na kilalanin ang Pilipinas bilang isang lalawigan ng Espanya at maging representante sa Spanish Cortes. Ang katayuan ng mga Pilipino at Kastila ay dapat na pantay - pati na rin ang mga karapatang pantao, halimbawa ang kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag. Isa sa mga pangunahing hangarin din ay ang sekularisasyon ng parokya ng Pilipinas. Ang gora ay naging helmet ng digmaan para sa himagsikang Pilipino.

Ang mga Pilipino ay nagpapakita ng kanilang talino at sining sa pamamagitan ng mga pista. Ito ay naging taunang pagdiriwang para sa mga tao sa Barangay Balibago (isang nayon sa Pampanga) at Munisipalidad ng Pulilan. Ang pinakahihintay sa mga nasabing kaganapan ay ang pagsayaw sa kalye at parada. Kadalasan ang mga babae ang nagsasayaw, nakasuot ng mga costume na Balintawak, bakya at syempre ang salakot na pinalamutian ng mga bulaklak, kuwintas, at mga laso.

Challenge: DIY Filipino Salakot made of cardboard

Watch the video and make and decorate your own salakot.

More

Eileen
South Library